Categories: Star Publish: 25/05/2024 10:39:10

Apo Whang-od, biktima ng cancel culture dahil sa panghihipo kay Piolo Pascual

National treasure and tattoo artist Apo Whang-od is trending on social media after touching the private part of actor Piolo Pascual, who visited her in Kalinga Province to have a tattoo.

Ipinagdiriwang tuwing Marso ang International Women’s Month.

Ngunit sa halip na magbigay-pugay sa maalamat na mambabatok o traditional tattoo artist na si Apo Whang-od, puntirya siya ng cancel culture na panawagan ng ilang Filipino netizens na hindi natuwa sa panghihipo niya sa aktor na si Piolo Pascual.

Kasama ang kanyang kapatid na si Pochie, dumayo si Piolo sa Buscalan, Kalinga Province, para personal na makipagkita at magpalagay ng tattoo sa pilyang centenarian tattoo artist.

piolo pochie apo whang od

Piolo Pascual and brother Pochie visit Apo Whang-od in Kalinga Province to have their tattoos made by the legendary tattoo artist

At dahil popular na aktor si Piolo, isyu para sa ilang moralista ang paghawak ni Apo Whang-od sa genitalia o pribadong bahagi ng katawan niya.

piolo pascual apo whang od

Makikita sa viral video na natawa na lamang si Piolo sa inasal ni Apo Whang-od, pero hindi niya minasama ang nakaugaliang gawin ng mambabatok sa mga kalalakihanng nilalagyan nito ng tattoo.


Kung panonooring mabuti ang video ng ginawa ni Apo Whang-od kay Piolo, banayad na banayad ito kung ikukumpara sa kanyang pagdakma sa genitalia ng mga ordinaryong kalalakihan, kung saan pinapasok pa talaga ng tattoo artist ang kamay nito sa loob ng shorts ng mga kliyente niya.

Para sa mga moralista, isang uri ng harassment ang aksiyon ni Apo Whang-od at hindi ito mabuting halimbawa.

Narito ang ilang komento na kinondena ang inasal ni Apo Whang-od:

“What Apo Whang Od did is hindi tama and don’t close your eyes sa fact na iyan just because she is an icon. Imagine if it’s an old man who did that? Everyone, if not all, will be pissed off. Kaya I don’t understand bakit nagsa-sana all pa kayo”

“This shouldn’t be condoned. Alam ko malaki ang respeto natin kay Apo Whang Od at sa sining niya ng pagtatattoo. Pero dapat ba natin baliwalain itong ginagawa niya? Kung matandang lalake si Apo Whang Od, ano na lamang ang reaction ng mga tao?”

“What if Apo Whang Od were a man? I respect her and her craft but pls let’s not condone a ridiculous and unacceptable act just because people find it funny or she is THE Apo Whang Od.”

“I have nothing against w/ Apo Whang Od – i totally respect and salute her also di rin ako naiinggit dahil si Papa P yan (Lol) but to be serious, i wonder what if kung matandang lalaki naman yung gumagawa niyan sa babae – matutuwa pa di kaya yung mga tao? Nagtatanong ako ha.”

Para sa karamihan, katuwaan lamang ito.

Hindi raw dapat bigyan ng malisya ang ginawa ng mambabatok na nagkaroon ng international recognition nang maging cover girl ng isang glossy magazine noong Abril 2023 at tumanggap ng papuri mula sa Hollywood celebrities na sina Halle Berry, Drew Barrymore, Gigi Hadid, at Naomi Campbell.

Dahil si Piolo ang hinipuan ni Apo Whang-od, “sana all” reaksiyon ng karamihan sa mga tagahanga ng aktor na walang makitang mali sa inasal ng centenarian tattoo artist.

Naniniwala rin silang hindi dapat maging biktima ng cancel culture ang itinuturing na national living treasure ng Pilipinas.

Narito ang ilang komento ng mga nagtatanggol kay Apo Whang-od (published as is):

My thoughts on the Apo Whang Od issue. U go there to support her. At her age cancelling her doesn’t do anything. Just dont visit her if u are not comfortable with what she does. If there are people who feels victimized, the victim should be the one speaking about it. NOT YOU.”

“APO WHANG OD getting cancelled by twitter wokes, at her age. Please, give the same energy sa mga academics nyo na puro reklamo lng ng reklamo kineso pagod na kayo HAHAHA Kalowka”

“may consent naman pala, anong pinuputak niyo diyan? grabeng reaction kay apo whang od, labeling it as “sexval harassment” when it’s not naman. do your research kasi. oa mo ngayon pero walang pake kay quiboloy na notorious predator?”

“It becomes offensive when one party did not give permission, or was offended, or was uncomfy. Piolo did not say No, did not move away, and was laughing in good fun. Anong next na icacancel nyo, yung mga tribe women na walang bra?”

“If you don’t want to get your privates grabbed by Apo Whang Od, then just don’t go. People go to her with this knowledge in mind and have no problems with it.”

“Yow, it’s 2024 already! I’ve been reading some post and tweets about canceling Apo Whang Od just because of her Dakma trademark for anyone who’ll have a tattoo from her. Hindi naman na to bago, she’s been doing this for a long time already + on the video Piolo didn’t even say–“