Categories: Star Publish: 21/06/2024 08:27:29

Kim Chiu, sa tanong kung handa ba siyang umibig muli: “Oo naman”

Hindi sinasara ni Kim Chiu ang kanyang sarili na muli ay umibig. Sa ginanap na media conference ng kanilang hit teleseryeng “Linlang,” sinabi ni Kim na sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay bukas siya sa posibilidad pero hindi lang sa ngayon.


Kim Chiu, sa tanong kung handa ba siyang umibig muli: “Oo naman” Source: Instagram

Oo naman. Di man sa ngayon muna. Pero hopefully in the next months to come.

Agad naman niyang binawi ito at sinabing ‘in the next years to come.’

Nang tanungin naman kung bakit naniniwala pa rin siya sa pag-ibig sinabi niyang marami naman ang mga taong kayang magbigay ng pagmamahal at handa naman siyang tumanggap.

Marami namang kayang magbigay ng love. And willing naman akong tumanggap. Kasali sa buhay ‘yun. So, i-embrace natin lahat.

Marami namang kayang magbigay ng love. And willing naman akong tumanggap. Kasali sa buhay ‘yun. So, i-embrace natin lahat.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na “Pinoy Big Brother: Teen Edition” noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw.” Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na “It’s Showtime.”

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.