Categories: Star Publish: 28/06/2024 08:22:41

WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?

Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong bigating aktor at certified heartthrobs ang sinasabing nanliligaw kay Kathryn Bernardo, 28.

Ang Kapuso prime star na si Alden Richards, 32; award-winning actor na si Jericho Rosales, 44; at young heartthrob na si Donny Pangilinan, 26, ang nabalitang nauugnay kay Kathryn nitong nakalipas na mga linggo.

Ito ay sa gitna ng napapadalas na sightings ng tatlong aktor sa mga importanteng okasyon sa buhay ni Kathryn.

Limang reliable sources ang kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isyu.

Kathryn Bernardo courted by Alden Richards, Jericho Rosales and Donnie Pangilinan

Ayon sa First Source na may personal na alam sa mga kaganapan, kumpirmadong nanliligaw sina Alden at Jericho kay Kathryn.

Totoo rin daw na may nilulutong proyekto para kina Alden at Kathryn, na matagal nang inaawitang masundan ang blockbuster movie nilang Hello, Love, Goodbye (2019).

Pero ipinunto rin ng First Source na walang kinalaman sa trabaho ang private parties ni Kathryn na dinaluhan ni Alden, at makikita roong nag-e-enjoy ang mga ito sa company ng isa’t isa.

Time will tell kung mauuwi sa higit sa pagiging magkaibigan at onscreen partner ang ugnayan ng dalawa.

Sabi naman ng Second Source, si Jericho ang masisiguro niyang may gusto kay Kathryn.

May mga kaibigan daw si Jericho na kinakantiyawan ito sa pagporma niya sa dalaga, at ang sagot daw ni Jericho ay “Puwede pa naman, di ba?”

Kathryn Bernardo courted by Alden Richards, Jericho Rosales

Hindi lang masiguro ng Second Source kung tuloy pa rin ang panliligaw ni Jericho kay Kathryn ngayon.

Sa housewarming party ni Kathryn, hindi namataan si Jericho, habang si Alden ang lumitaw na masugid sa pag-alalay sa dalaga.

Hindi malinaw kung imbitado o hindi si Jericho sa housewarming party.

Napag-alaman naman ng PEP.ph mula sa Third Source na nagsabing nanliligaw rin si Donny kay Kathryn.

Single daw si Donny at walang karelasyon ngayon.

Nagtanong pa ang PEP.ph sa isang Fourth Source na nagsabing single nga si Donny.

Noong 2022 ay may non-showbiz girlfriend umano si Donny, pero hindi raw niya masabi kung nagtagal iyon.

Nang balikan ng PEP.ph si First Source, kinumpirma nitong sumubok manligaw si Donny kay Kathryn, pero huminto rin kalaunan.

Walang sinabing dahilan si First Source bakit naudlot ang pagporma ni Donny kay Kathryn.

Sa vlog ni Ogie Diaz noong April 14, 2024, una niyang inulat na nanliligaw sina Alden at Jericho kay Kathryn.

Noong April 16, naglabas din si Ogie ng blind item tungkol sa isang “young actor” na sumubok ding manligaw kay Kathryn.

Pero ayon kay Ogie, naudlot ito sa di malamang dahilan. Mabilis namang nahulaang si Donny ang tinutukoy ni Ogie na young actor na nagkagusto rin kay Kathryn.

Sa dami ng nauugnay kay Kathryn, tila matira ang matibay ang labanan.

Sa panig ni Kathryn, wala pa itong opisyal na pahayag sa pagkakaugnay sa kanya kina Alden, Jericho, at Donny.

Ang sabi naman ng Fifth Source ng PEP.ph, hindi pa nakakasiguro ang sinumang nanliligaw kay Kathryn kung handa na ba ang dalaga na pumasok uli sa bagong relasyon.

Sabi pa ng Fifth Source, isang taong malapit sa pamilya ni Kathryn ang sumang-ayon sa obserbasyon ng ilang showbiz insiders na baka naghihilom pa si Kathryn sa breakup nito kay Daniel Padilla.

Kaya kung may manliligaw man si Kathryn, ang tanong ay handa ba itong maghintay kung kailan ready ang aktres na umibig muli?

Kung anu’t ano man, hindi naman kataka-taka kung maraming binata ang manligaw kay Kathryn.

Sino kaya sa suitors niya ang magwagi?

Dito ay tinipon ng PEP.ph ang mga pagkakataong nakasama niya ang mga nagguwaguwapuhang aktor na nauugnay sa kanya ngayon.

ALDEN RICHARDS

Hindi nakaligtas sa netizens na all-out si Alden sa pagiging thoughtful at pagbibigay ng oras para kay Kathryn.

Isa si Alden sa prominent guests sa party ni Kathryn, na ginanap sa isang yacht at luxurious resort sa El Nido, Palawan, noong March 26, 2024.

Patok ang tambalan nina Alden at Kathryn sa big screen via Hello, Love, Goodbye, na tumabo ng PHP880M.

Record-holder ito bilang highest-grossing Filipino film of all time, mula nang ipalabas ito noong 2019, hanggang sa maungusan ito ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na Rewind tampok ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kinilig nang husto ang netizens sa interactions nina Kathryn at Alden sa Palawan.

Kumalat sa social media ang videos at photos ng mga pagkakataong silang dalawa lang ang magkausap habang kita sa background ang sunset at dagat.

Komento pa ng shippers ng Kathryn-Alden o KathDen, bakas sa sigla at mga tawa ni Kathryn na “naka-recover” na raw ang aktres sa breakup nila ni Daniel at puwede nang maligawan uli.

May mga nag-udyok pa kay Alden na “i-push mo na yan,” “bakuran mo na” dahil may naamoy raw ang netizens na ibang umaaligid kay Kathryn.

Hindi nabigo ang fans ng KathDen.

Nasundan ang sighting sa dalawa nang maimbitahan si Alden sa intimate post-birthday celebration para kay Kathryn na inorganisa ng kanyang glam team noong April 2.

Isang private dinner ito na kakaunti at piling-pili lamang ang bisita, kabilang ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo.

Bakas ang gulat at kasiyahan sa mukha ni Kathryn nang dumating si Alden na may dozen red roses at luxury brand paper bag na parehong inabot nito kay Kathryn.

Bukod-tanging si Alden ang artistang bisita, kaya hindi maiwasang mabigyan ng kulay ng netizens ang presensiya ng binata.

Lalong umugong ang pag-uugnay sa dalawa nang dumalo si Alden sa housewarming party ni Kathryn.

Kita sa videos mula sa mga dumalo sa party na lubos na nag-e-enjoy sina Alden at Kathryn sa company ng isa’t isa.

Namataang sila ang magkatuwang sa pagkuha ng shot glasses sa bar, at hindi nila napansing kinukunan na pala sila ng glam team ni Kathryn.

Pagbaling nila sa gawi ng mga kasama ay sabay sina Kathryn at Alden na nag-serve ng shots sa mga ito.

Bukod sa kulitan nila noong gabing iyon ay mahahalatang todo-alalay si Alden kay Kathryn kaya lalong kinilig ang kanilang mga tagahanga.

Noong gabi ring iyon ay imbitado si Alden sa PH Esports Awards kunsaan nanalo siya para sa dalawang kategorya—Esports and Gaming Positive Influencer of The Year at Esports Event of The Year para sa kumpanya ni Alden na Myriad Esports dahil sa nilunsad nitong Myriad Esports Cup at Myriad MLBB Masters S1.

Usap-usapan ng KathDen fans na big deal na pinili ni Alden na dumalo sa party ni Kathryn kaysa sa awards night, dahil kilalang avid gamer ang Kapuso actor at passion project nito ang itinayong esports company.

Natandaan pa ng fans ang TV interview kina Alden at Kathryn noong nagpro-promote sila ng pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.

Sinabi roon ni Kathryn na isang bagay na natuklasan niya kay Alden ay ang hilig nito sa paglalaro ng Mobile Legends to the point na minsan ay hindi raw niya ito makausap dahil sa sobrang tutok sa mobile game.

Kaya komento ng KathDen fans, may pagtatangi si Alden kay Kathryn dahil todo-effort at oras ang ibinibigay nito sa dalaga ngayon.

Sabi naman ni Alden, base sa panayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras noong April 10, “What you see is what you get.”

Alden Richards and Jericho Rosales reportedly courting Kathryn Bernardo, reveals Ogie Diaz - The Global Filipino Magazine

JERICHO ROSALES

Si Jericho Rosales ay napasama rin sa lumalawak na sirkulo ng mga kaibigan ni Kathryn.

Una silang naispatang magkasama nang mag-jogging sila sa Marikina Sports Complex noong January 29, 2024.

Kasama nila ang pamangkin ni Jericho na si John Manalo, na batchmate naman ni Kathryn mula pagkabata sa defunct kiddie-oriented gag show na Goin’ Bulilit.

Isa rin si Jericho sa mga artistang nagpaabot ng pagbati kay Kathryn nang mag-renew ng kontrata ang aktres sa ABS-CBN noong February 3.

Sa panayam ni ABS-CBN News reporter MJ Felipe noong araw na iyon, sinabi ni Kathryn na walang kinalaman sa trabaho ang pagsasabay nila ni Jericho na mag-jogging.

Niyaya lang daw siya ni John, at saktong workout day din naman daw ng dalaga noon.

Pero muling nagkasama sina Jericho at Kathryn.

Imbitado rin si Jericho sa birthday party ni Kathryn sa El Nido, Palawan.

Kung si Alden ay nakipag-duet noon kay Kakai Bautista at kumanta ng “Bakit Ngayon Ka Lang?” ng Freestyle, si Jericho ay umawit naman ng “Ang Huling El Bimbo” ng Eraserheads

May fans na boto kay Jericho para kay Kathryn at nagsabing bagay sila.

Pero sa latest interview ni MJ Felipe ng ABS-CBN News nitong April 18, nagbitiw si Jericho ng salita na hindi pa ito handang umibig muli.

Hiwalay si Jericho sa asawang si Kim Jones mula pa noong 2019, pero noon lamang January 2024 ito naisapubliko.

Kung hindi man totohanang relasyon, ang susog ng ibang netizens na sana ay magkapelikula sina Kathryn at Jericho.

Noon pa man ay bukas si Jericho sa pagsasabing gusto niyang makatrabaho si Kathryn sa isang pelikula.

Sa presscon ng Halik noong April 2019, pabirong humirit pa si Jericho, “Naunahan na ako ni Alden, e!”

Ang tinutukoy ni Jericho ay ang pagtatambal nina Alden at Kathryn sa Hello, Love, Goodbye, na noon ay ongoing ang production stage.

Sabay dugtong ni Jericho, base pa rin sa kanyang 2019 interview, “It’s just a matter of time, to be honest with you.”

DONNY PANGILINAN

Ang young heartthrob ng Star Magic na si Donny Pangilinan ang isa pang nauugnay kay Kathryn.

Matatandaang naging hot issue ang pag-alalay ni Donny kay Kathryn sa after-party sa wedding reception nina Robi Domingo at Maiqui Pineda noong January 6.

Nakunan ng video noon ang paglapit ni Donny kay Kathryn habang sumasayaw ang dalaga sa dance floor.

Waring nakabantay si Donny kay Kathryn noon.

Sa ulat ng PEP Troika noong January 11, nilinaw ni Donny na magkakaibigan silang mga artistang imbitado sa kasal ni Robi.

“Siyempre, wedding ng friend namin yun, we had a great time. Lahat naman kami, friends sa showbiz. So, binabantayan lang namin sa isa’t isa. Yun lang yun,” saad ni Donny.

Dinepensahan naman si Donny ni Robi, na nagsabing in-charge si Donny sa pag-alaga sa mga bisita sa kanyang kasal.

Hindi namataan si Donny sa private parties ni Kathryn.

Hindi malinaw kung imbitado roon si Donny, pero ang kaibigan ni Donny na si Robi ay present sa birthday party ni Kathryn sa El Nido pati na rin sa housewarming party ni Kathryn.

Si Donny ay kasalukuyang abala sa papalapit na finale ng hit teleseryenga Can’t Buy Me Love, kunsaan katambal niya ang perennial love team na si Belle Mariano.

Tikom ang bibig ni Donny sa pagkaka-link niya kay Kathryn, pero ang kapatid niyang si Ella Pangilinan ang naghayag ng disgusto sa pagkakadawit ng young actor sa isyu.

Saad sa Instagram Story ni Ella noong April 18: “Something I find really crazy about supposedly reputable PH news outlets is that they can make ‘news’ out of chismis / stories that are entirely untrue. How is that responsible journalism?”

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.